Saturday, May 2, 2009

Mga Ibat-ibang Tanim--OK

abukado\abukado (Persea americana Mill.)--isang bungang kahoy na mula sa America na may bungang kinakain. Ang tanim na ito ay nakakaabot sa taas na 10 metros.
Manami kan-on ro abukado kapin pa gid kon butangan it gatas.
Masarap kainin ang abukado lalo na kung lagyan ito ng gatas.

adelpaa\adelpa (Nerium indicum)--isang uri ng tanim na tuwid at makinis na palumpong na isa at kalahati hanggang tatlong metro ang taas. Makitid ang dahong pahaba na may sampu hanggang 1.5 metro ang baba. Iba't-iang kulay ang bulaklak: puti, rosas, pula o dilaw.
Tinapas ni Lola ro gintanum nga adelpa ni Lolo.
Pinutol ni Lola ang tinanim na adelpa ni Lolo.

amarillo\amarillo (Tagetes erecta)--isang uri ng halamang -damong may maalingasaw na amoy; 0.3 hanggang 0.8 metro ang taas, tuwid, makinis, masanga at karaniwang inaalagaan upang ipampalamuti.
Owa kami ginapahampang ni Nanay sa may puno it amarillo.
Hindi kami pinalalaro ni Nanay sa puno ng amarillo.

amorseko\amorseko (Andropogon aciculatus)--Damong ligaw na karaniwang tumutubo sa kabukiran, may dahong makitid atmahaba at maliit na bungang kapag tuyo na ay kumakapit sa damit.
Abu nga maorseko ro nagsab-it sa saewae ko.
Maraming amorseko ang kumapit sa pantalon ko.

asueto\asuete (Bixa orellana Linn.)--isang tanim kung saan ang kanyang buto ay linalagay sa pagkain upang pumula ito. Ginagamit din ito sa paggawa ng butter. Ang pulang kulay nito ay tinatawag na bixin.
Kung magluto ng adobo ang tatay ko ay linalagyan niya ito ng aswete.
Kon mag-eaha si Tatay it adobo hay ginabutangan nana ra it aswete.

atis\atis (Anona squamosa)--ito ay isang tanim na dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol. Ang bunga nito ay bilog at napasarap kainin kapag hinog. Linalagay din ito sa ice cream.
Kunta may atis nga owa it busoe.
Sana may atis na walang buto.

baeatong\munggo (Phaseolus aureus Roxb)--ito ay isang herb at ang buto nito ay nilulutong gulay. Ang buto nito ay maliliit at sagana sa protina. Ang kulay ng buto nito ay berde, mayroon ding dilaw.
Indi masyado magkaon it baeatong ay abu kara ra uric acid.
Huwag masyadong magkakain ng munggo dahil marami itong uric acid.

balete\balete--ito ay isang kahoy. Ang balat nito ay sakana sa tanin. Ang ugat at ang dahon nito kapag nilaga ay mabuting panglinis ng mga sugat, pwede rin daw itong gamot sa sakit sa liver. Maraming taong takot sa kahoy na ito dahil tinitirahan daw ito ng mga kapre.
May kapre kuno nga naga-estar sa balete.
May kapre raw na tumitira sa balete.

balinghoy\kasaba--kamoteng-kahoy; ang gamot nito ay linalaga at ginagawang pagkain
Gina-obra nga suman ro balinghoy.
Gina-obra nga suman ro balinghoy.
Ginagawang suman ang kasaba.

banaba\banaba (Banaba Lagerstoemia speciosa Lythraceae)---malaking punongkahoy, Ang dahon nito ay gamot sa bato o sa pantog, sa indi pag-ihi o balisawsaw.
Ro banaba hay buoeng sa bato sa kidney.
Ang banaba ay gamot sa bato sa kidney.

banabana\guyabano--isang punong kahoy na umaabot hanggang pitong metro ang taas. Ang bunga nito ay malaki, makatas, baku-bakong hugis-itlog, may tinik, at maasim-asim.
Maaslom ro bunga it banabana.
Maasim ang bunga ng guyabano.

bangkae\bangkal--isang punong kahoy na tumataas nang hanggang 25 metro at lumalaki ang katawan nang hanggang 50 sentimetro. Ang mga bulaklak ay dilaw at tumutubo na parang ulong bilog na siyang tinutubuan ng bungang malaman. Ang nilagang balat ay gamot sa mga sugat, sa ngipin.
Ro dahon it bangkae hay bueong sa regla.
Ang dahon ng bangkal ay gamot sa regla.

bawang\bawang--isang tanim na ginagamit sa pampalasa.
Ro bawang kuno hay kuntra sa aswang.
Ang bawang daw ay panlaban sa aswang.

bayawas\bayabas--isang bungang kahoy na ang bunga ay bilog, at kung hinog ay dilaw ag mabango.
Naghueat si Juan Tamad sa pagkahueog it bayawas.
Naghintay si Juan Tamad sa pagkakahulog ng bayabas.

bugnay\bignay (Antidesma bunius Linn)--isang punong kahoy na lumalaki mula apat hanggang sampung metro, may dahong taluhaba at makintab na ang dulo ay tulis at ang bunga ay kumpol-kumpol na tila duhat.
Pwedeng obrahon nga bino ro ro bugnay.
Pwedeng gawing alak ang bignay.

butong\kawayan--punong halaman na ang puno ay tumataas hanggang 25 metro at lumalaki ang katawan nang gahita, butas o hungkag ang loob, biyas-biyas ang katawan na mahahati ng mga buko na siyang sinusplingan ng maliliit na sanga o siit.
Sa Aklan owa it siit ro mga butong.
Sa Aklan walang tinik ang mga kawayan.

bunga\bunga--isang palma at ang bunga nito ay sangkap sa nganga.
Ang bunga raw ay isang lason.
Ro bunga kuno hay lason.

dalandan\dalandan/kahel (Citrus sinensis)--maliit na punongkahoy na matinik at may mga dahong parang nagkakadalawang hati na makitid ang puno ngunit malapad ang dulo
Bukon eang it Bitamina C ro mabuoe sa ana kara nga duga.
Hindi lang Bitamina C ang makukuha sa katas nito.

dalanghita\dalanghita--maliit na punongkahoy. ang dahon nito ay makinis, may kpagkataluhaba. Ang mga bulaklak ay puti, maiigsi ang tangkay at karaniwan ay isahan. Ang bunga ay lunti o nagiging manilaw-nilaw o maberde-berdeng-dilaw o kulay-dalandan at maluwag ang balat.
Ro dlanghita hay maaslom man pareho it simuyaw.
Ang dalanghita ay maasim din katulad ng kalamansi.

dapdap\dapdap--punongkahoy na nangungulag and dahon sa panahon ng pamumulaklak at tumataas nang hanggang 15 metro. Ang bulakalak ay may malalaki at mapupulang talulot.
Ingko ueo it manok ro bueak it dapdap.
Parang ulo ng manok ang bulaklak ng dapdap.

dita\dita--isang punong kahoy na makinis at tumataas nang mulaanim hanggang 20 metro. Mapait at malagatas ang katas nito na panlunas sa lagnat, pagtatae at disintirya.
Owa eon ako kakita it dita sa amon nga barangay.
Hindi na ako nakakita ng dita sa amng baangay.

durian\durian (Durio zibethinus Murr)--isang punongkahoy na tumataas nang hanggang 20 metro o higit pa. Ang bunga nito ay binabalutan ng ng matigas na balat na may matatalim at matitigas na tinik. ang laman it malabot, maputi-puti at masarap ngunit may masamang amoy.
Sa Banga nagatanum sanda it durian.
Sa Banga nagtatanim sila ng duiran.

eangka\langka (Artocarpus heterophyllus Lam)--nangka, malaking prutas na malalaki ang maraming buto. Umaabot ng 8-15 metro ang taas ng p[unong-kahoy na ito. Ang bunga nito ay umaabot ng 50 kilo.
Mahumot ro eutong eanga.
Mabango ang hinog na nangka.

eukalipto\eukalipto--punongkahoy na tumataas nang hanggang 15 metro o higit pa na ang balat ay abuhin at natatanggal sa maninipis na piraso. Ang langis nito ay mabisang panlunas.
Ginabueong ro dahon it eucalyptus sa ubo.
Gamot sa ubo ang dahon ng eucalyptus.

eunga\linga--isang tuwid, taunan at mabulong halamangdamo na tumataas ng hanggang 80 sentimetro. Ang bunga nito ay nakukunan ng langis at naisasangag upang ibudbod sa iba't-ibang uri ng kakanin.
Ginabubod ro eunga sa turon nga saging.
Binububod ang linga sa turon na saging.

gaeang\balimbing (Averrhoa carambola Linn.)--isang uring punongkahoy na ang bunga ay nagtataglay ng limang patriyanggutong gilid.
May maaslum ag may matam-is nga baeang.
May maasim at may matamis na balingbing.

gugo\gugo--isang uri ng halaman na baging na may malakahoy na katawan. Ang upak ng puno nito ay ginagawang panlinis ng buhok.
Ginabanyos ro panit it gogo sa buhok agod maghining ra.
Pinapahid ang balat ng gogo sa buhok upang kuminang ito.

gratilis\datilis (Mutingia calabura Tiliaceae)--isang punong-kahoy na maliliit ang dahon at namumunga ng kasinglaki ng daliri. Kinakain ito kapag hinog na.
Owa't nagakaon it gratilis sa Aklan.
Walang kumakain ng datilis sa Aklan.

gulasiman\kolasiman o golasiman (Portulaca oleracea Linn)--damo na ang katawan, mga sanga pati na dahon ay mapipintog, bahagya nang sa lupa at halos pagapang na kumakalat sa kinatutubuan; mabuting ipakain sa baboy. Pero ginagamit din daw ito na pampalamig sa lagnat.
Ginabahog ro gulasiman sa mga boboy.
Pinapakain ang gulasiman sa mga boboy.

gutaw\gabi (Colocasia esculenta (Linn)--isang uri ng halaman na ang dahon ay malapad. Ang tangkay, dahon, at ang laman nito ay ginugulay. Ang mainit na laman nito ay linalagay sa lugar na may rayuma.
Manami payukan ro dahon it gutaw.
Masarap gataan ang dahon ng gabi.

hagonoi\hagonoi (Wedelia biflora (Linn)--ang baging na ito ay tumutubo ito malapit sa ilog at sa mga dalampasigan. Umaakyat itong tanim sa mga puno. Umaabot ang haba nito hanggang 6 - 8 sentemetro. Ang dahon nito ay ginagamit na panghugas ng ulcer; ang katas ng dahon nito ay hinahaluan ng gatas ng baka at pinapainum sa bagong nanganak na ina. Gamot din daw ito sa malaria.
Bueong kuno sa katoe ro pinabukaeang dahon it hagonoi.
Gamot daw sa kati ang pinakuluang dahon ng hagonoi.

aeanghilan\ilang-ilang/ilang-ilang--Halos kasinghaba ng dahon ng kape ang haba ng dahon ng ilang-ilang, at halos kasingtaas din ang puno nito sa kape. Ang bulaklak nito ay mabango at ginagawang lei o buke para sa mga panauhin.
Abung puno it ilang-ilang sa Laguna.
Maraming punong ilang-ilang sa Laguna.

madre de kape\ipil-ipil (leucaena glauca (Linn) Benth--Ang punong kahoy na ito ay makikita halos sa lhat ng lugar sa Pilipinas. Ito ay galing sa Tropical America. Ito ay umaabot mula 2 -6 metro ang taas. Ang dahon nito ay compounded o maliit na umaabot sa 15-25 sentimetro. Madalas ginagamit ito na panggatong. Sa ibang lugar sa Pilipinas, ang mga buto nito ay ginagawang kape. ang dahon nito ay pwedeng ipakain sa kambing at baka, ngunit masama sa kabayo.
Matibay nga poste ro madre de kape.
Matibay na poste ang ipil-ipil.

kadyos\gablos o kadios (Cajanus cajan (Linn) Millsp.--Ang tanim na ito ay mula sa Malaya. Ang tanim na ito hay masanga, mabalahibo, at tuwid, at umaabot ng 1 - 2 metro ang taas. Ang buto nito at ang talbos ay ginugulay. subalit sa Aklan ang buto lang ang kinakain, madalas may halong baboy at langka. Ang dinurog na buto nito ay ginagamit sa namamagang parti ng katawan.
Paborito it mga Ilonggo ro kadyos. Paborito ng nga Ilonggo ang kadyos.

cacao\cacao ( Theobroma cacao Linn)--ang tanim na ito ay tumutubo sa mababang lugar ng Pilipinas. At ito ay nagmula sa Mexico. Ito ay may taas na 3 - 5 metro. ang mga dahon ay oblong at umaabot sa 15 - 4 sentimetro. Ang buto nito ay ginagawang cacao, tsukolet, at butter. Ang langis ng cacao ay mabuti raw na lunas sa may high blood pressure.
Gina-obra nga kokwa ro busoe it kakaw.
Ginagawang kokwa ang buto ng kakaw.

kalachuchi\kalatsutsi (Plumiera acuminata Air)--Ang tanim na ito ay tinatamin para gawing palamuti, lalo na ang knayang bulaklak. May dalawang kulay ang bulaklak nito: puti at rosas. Ang taas ng tanim nito ay umaabot sa 3 - 7 metro at may liku-likong puno. ang tanim na ito ay dinala dito ng mga Katsila, at ngayon ay makikita na lahat halos ng lugar sa Pilipinas.
Kon Flores de Mayo ginakuhit ro bueak it kalachuchi it mga unga agod daehon sa simbahan.
Kung flores de Mayo sinusungkit ng mga bata ang bulaklak ng kalatsutsi upang dalhin sa simbahan.

kamatis\kamatis (Lycopersicum esculentum Mill.)--Ang bunga ng tanim na ito ay ginagamit sa pangluluto at ginagawa ring ketsap. Ang taas ng tanim nito ay umaabot sa 0.5 - 2 metro. ang mga dahon nito ay pinate, oblong-avate. Ang bunga ng
Abu nga Bitamina C rp kamatis.
Maraming Bitaminang C ang kamatis.

kamantsile\kamanchile ((Pithellobium (Roxb.)--Ang tanim na ito ay may taas na 5-18 metro na may tinik. Ang balat ng puno nito ay ginagawang pangtina sa mga lamat at sa mga balat ng baka.
Sa Aklan, owa it gakaon it bunga it kamantsile.
Sa Aklan, walang kumakain ng bunga ng kamantsile.

iba\kamias--ito ay isang punong kahoy na ang bunga ay kulay berde at kung hinog na ay kulay dilaw at halos kasinglaki ng hinlalaking daliri ng tao at napakaasim. Ang bunga nito ay nilalagas sa sinigang at ginagamit din sa pagtanggal ng ng mga mantsa sa puting damit. Ang kahoy na ito ay nagmula sa India.
Ra uyahon ni Annabelle ay pareho kaaslum it iba.
Ang mukha ni Annabelle ay kasing-asim ng kamias.

kamote\kamote--(Ipomea batatas (Linn) Poir--Ang halaman na ito ay galing sa Mexico. Ang talbos nito ay mayaman sa Calcium at phosphorus. ginugulay at ang laman nama ay linalaga upang kainin.Ang laman nito ay mayaman sa carbohydrate, Bitamina A, B, C, at G.
May carotene kuno ro dueaw nga kamote.
May carotene daw ang dilaw na kamote.

kapayas\kapaya (Carica papaya L.)--ito ay higanteng halaman na umaabot ng 10 metro at makikita halos sa laht ng sulok ng Pilipinas. Karamihan sa mga papaya ay walang sanga. Berde ang bunga nito ngunit nagiging dilaw kapag naluto na. Ang bunga nito ay ginugulay at kung hinog naman ay kinakain.
Maisot eang ro kapayas nga native pero matam-is.
Maliit lang ang kapayang native ngunit napakatamis.

kape\kape (Coffea arabica Linn.)--Ang tnim na ito ay dinala sa Pilipinas ng mga Kastila. Ang taas ng kahoy na ito ay umaabot s 3 - 5 metro. Ang bulaklak nito ay puti. Ang bilog na bunga nito ay berde at kapag nahinog na ay nagiging pula.
Manami imnon ro kapeng barako.
Masarap inumin ang kapeng barako.

karot\karot--ito ay halamang-ugat na ang bunga ay mahaba atkulay-kahel. Ang ugat nito ay ginugulay o kinakain nang hilaw.
Ro karot sa Aklan hay halin sa Baguio.
Ang karot sa Aklan ay galing sa Baguio.

kasoy\kasuy (Anacardium occidentale Linn.)--Ang kahoy na ito ay nakikita sa maraming lugar sa Pilipinas. Ang bunga nito ay parang bunga ng mansana, bilog, na kung hinog ay mapakla. May buto ito na hugis mani ag kapag ihawin sa baka ay masarap kainin ang laman.
Sa Guimaras abu ro nagatanum it kasoy.
Sa Guimaras maraming nagtatanim ng kasoy,

katueanga\gumamela--(Hibiscus rosasinensis Linn)--ang tanim na ito ay pangpalamuti at pangbakod dahil sa masanga at madahong katawan. Dati tanging pula ang kulay ng bulaklak ng gumamela, ngunit ngayon may mayroon nang dilaw, pula,at rosas.
Indi ko eon mahuyap ro mga barayti it katueanga.
Hindi ko na mabilang ang barayti ng gumamela.

katumbae\sili (Capsicum annuum Linn.)--Ito ay isang halamang ang bunga ay maanghang at tinatawag din ng ganito. Ang dahon nito ay ginugulay din.
Ginaeamhay ro dahon it katumbae sa linaga nga manok.
Ang dahon ng sili ay ginugulay sa linagang manok.

katurai\katurai --halamang tumataas mula lima hanggang 12 metro. Mapuputi ang mga bulaklak at pito hanggang siyam na sentimetro ang haba.
Ginahimo nga salad ro bueak it katurai.
Ginagawang salad ang bulaklak ng katurae.

kintsay\kintsay---
Ginahaeugay ro kinsay sa batchoy.
Hinahalo ang kinsay sa batchoy.

kogon\kogon (Imperata cylindrica (Linn) Beauv. var. Koenigh (Retz)Benth.)--Ang damong ito ay laganap sa mga kaparangan; may mahabang dahon na karaniwang ginagamit sa pambubong ng bahay sa mga lalawigan.
Abu nga ginasip-on kon magbueak ro mga kogon.
Maraming sinisipon kapag namulaklak ang mga kogon.

kulitis\kulitis (Amaranthus spinosus Linn.)--halamang nakakahawig ng uray ngunit walang tinik at may kalambutan nang bahagya at madahon. Ang murang talbos ay ginugulay.
Masustansiya ag barato ro tanum nga kulitis.
Masustansiya at musra ang halamang kulitis.

kondol\kondol (Benincasa hispida (Thunb.) Cogn.)--Isang halamang baging na kauri ng upo at kalabasa na ang bunga ay ginagawang minatamis.
Owa ako it hilig magkaon it kondol
Wala akong hilig kumain ng kondol

labanos\labanos (Raphanus sativus Linn)--Ang gulay na ito ay tumutubo halos sa lahat na lugar ng Pilipinas. The gamot nito ay malaman, at maanghang. Ang dahon ay mabalahibo. Ang laman nito ay ginakain ng hilaw. And dahon din nito ay kinakain ng hilaw o linuluto.
Mas barato ro labanos kon tig-ilinit ku sa tig-ueoean.
Kung tag-araw mas mura ang labanos kaysa kung tag-ulan.

lansones\lansones (Lansium domesticum)--punongkahoy na tumataas nang hanggang 15 metro. Ang bunga nito ay mabulo, maliliit, dilaw at biluhaba, murang dilaw ang kulay at may lamang nahahati humigit-kumulang sa limang bahagi. Maaring may buto na nababalot ng lamang maputi, makatas, malinamnam o maasim at nanganganinganinag.
Sangkire ro bunga it lansones sa Aklan bangod sa Bagyo Frank.Raphanus sativus Linn.
Kakaunti ang bunga ng lansones sa Aklan dahil sa Bagyo Frank.

rekado/rekado--panghalong sangkap na idinaragdag sa mga lutuing pagkain para sumarap.
Naganami ro mga adobong manok bangod ginabutangan it laurel.
Sumasarap ang mga adobong manok dahil linalagyan ng laurel.

lagundi\lagundi(Vitex negundo Linn)--isang uri ng tanim na palumpong at masanga at gamot sa ubo.
Mabakae eon makaron ro mga tabletas nga lagundi sa mga boteka.
Mabibili na ngayon ang tabletas na lagundi sa mga boteka.

simuyaw\kalamansi(Citrus microcarpa Bunge)--isang uri ng sitrus na maasim ang bunga na kasinglaki ng hulen.
Ginabutang sa bino ro duga it simuyaw.
Linalagay sa alak ang katas ng kalamnsi.

tangkong\kangkong (Ipomoea aquatica Forak)--isang tanim na tumutubo sa tubig at ginugulay.
Gabuoe kami it tnagkong sa sapa.
Kumukuha kami ng kangkong sa sapa.

No comments:

Post a Comment