Wednesday, April 29, 2009

Iba't-Ibang Galaw ng Tao

Kaeain-eain nga Hueag It Tawo

Alikumo\tinitiklop ang mga kamay sa harap ng kanyang dibdib
Naga-alikuno si Lolo kon naeamigan
Tinitiklop ni Lolo ang knayang mga kamay kapag siya nalalamigan.

alipugsa\nagpapalag--galaw ng katawan o bahagi nito na pabugsubugso at bigla (tulad ng naghihingalo)
Naga-alipugsa si Pedro pagdakop kana it pulis.
Nagpapalag si Pedro nang dakpin siya ng pulis

dis-og\tulak--paggamit ng lakas sa o laban sa isang bagay para maalis ito sa kinatatayuan.
Dinis-og ni Juan ro anang ka-iping sa bangko.
Tinulak ni Juan ang katabi niya sa silya.

dugkae\pagpukpok sa anuman
Dinugkae it bara ni Pedro ro baoe.
Dinugkae ni Pedro na bara ang baul.

dukit\siningit--paglalagay ng isang bagay sa pagitan ng dalawang bagay.
Dinukit ni Alma ro sueat sa libro.
Siningit ni Alma ang sulat sa aklan.

dukmoe\dakma--biglang pagkuha paghuli sa pamamagitan ng magkasaklob na palad na karaniwan ay ginagawa sa mga palaka, isda at iba pang mabilis umilag o tumakbo.
Dinukmoe ni Anna ro kwarta sa lamera.
Dinakma ni Anna ang pera sa lamesa.

duko\yuko--pagtungo ng ulo
Nagduko ro unga pag-agiku anang lolo.
Yumuko ang bata nang dumaan ang kanyang lolo.

dukoe\suntok--pagbuntalng kamayna nakatikomang mga daliri.
Dinukoe ni Pedro ro anang kontra.
Sinuntok ni Pedro ang kanyang kalaban.

dupa\dipa--pagkaunatng dalawang kamay sa magkabilang panig.
Nakaupa si Ninoy pag-hakwat kana sa tarmak.
Nakadipa si Ninoy nang buhatin siya sa tarmak.

dupea\dura--laway na ibinuga sa lupa
Gindupea ni Lola ra pila.
Dinura ni Lola ang kanyang laway.

eangoy\langoy--pagkawag opagkampay sa tubig
Mayad gidmag-eangoy si Josephine.
Mahusay lumangoy si Josephine.

eubid\namimilipit--namumulupot sa sakit (tulad ng sakit ng tiyan kung matindi ang sakit)
Naga-eubid si Juana sa kasakit ku anang tiya.
Namimilipit si Juana sa sakit ng kanyang tiyan.

eubog\higa--anyo o kalagayan ng tao o hayop na namamahinga nang lapat ang buong katawan
Pagkatapos it ilabas, mmayad nga mag-eubog.
Pagkakain ng pananghalian, mabuting humiga.

eukso\lukso--biglang pagpapaangat ng buong katawan buhat sa kinatututungan na sinusundan kaagad ng pagbaba sa lugar ding iyon or sa isang lugar na may distansya mula sa kinaroroonan
Eumokso si Mara sa katre.
Lumukso si Mara sa katre.

eumpat\talon--paglundag mula sa mataas na lugar
Eumompat ako pagkakita ko it sawa.
Tumalon ako nang makita ko ang ahas.

haboy\tapon--paghahagis o paglalagay ng isang bagay sa ibang lugar.
Hinaboy ko ro basura sa basurahan.
tinapon ko ang basura sa basurahan.

hapa\dapa--pagtumba na latag ang mukha at dibdib sa lupa.
Pagpumutok ang baril kinahangean nga maghapa ka.
Pagpumutok ang baril dapat ay dumapa ka.

igod\ipod--isang kilos na nakasayad sa sahig o sa lupa ang puwit
Ro unga hay gaigod.
Ang bata ay umiipod.

kaeot\kamot--kahig ng kuko sa bahaging makati
Kaeuta rang likod ay makakoe.
kamutin mo ang likod ko dahil makati.

kamang\gapang--mabagal na kilos na ang nagpapagalaw ay ang dalawang kamay at paa
Gakamang ro mga army.
Gumagapang ang mga army.

kindat\kindat--ang pagkurap
Kinindatan ni Rommel si Agnes.
Kumindat si Rommel kay Agnes.

kingking\kandirit--paglakad na isang paa lamang ang ginagamit
Gakingking ro unga paagto sa kusina.
Kumikandirit ang bata pamuntang kusina.

kiwi\simangot--umasim ang mukha
Nagkiwi si Lucy pagkakita kay Mario.
Sumimangot si Lucy nang makita si Mario.

kurog\nginig--ang pagngatal dahil sa ginaw o sa taas na lagnat
Nagakurog si Marcel sa kaeamig it panahon.
Nanginginig si Marcel sa ginaw ng panahon.

liad\liyad--ang pabaliktad na pagbaluktot ng katawan na usli ang tiya
Nagaliad si Pilita kon kumanta.
Lumiliad si Pilipita kapag kumakanta.

lingkod\upo--ayos ng tao na nakalapat ang puwit sa silya
Nagalingkod si Dionicio sa lameas.
Umuupo si Dionicio sa lamesa.

lingot\lingon--pabalik na tingin o tingin sa likuran
Lumingot si Tatay pagkakita ku amo.
Lumingon si Tatay nang makita ang unggoy.

kaya\tihaya--higa na ang likod ang nakasayad
Nagakaya si Bentong samtang nagakaon it mais.
Nakatihaya si Bentong habang kumakain ng mais.

Paeakpak\palakpak--pagakpak ng kamay
Nagpaeakpak ro mga tawo pagkatapos it kanta si sharon.
Pumalakpak ang mga tao pagkatapos umawit si Sharon.

panghuy-ab\hikab--pagbuka ng bibig at paghinga tanda ng pag-aantok
Nagpanghuy-ab ro manugbueong bag-o maghilot.
Naghikab ang manggagamot bago siya humilot.

pangubaybay\hawak sa isang pader o biang bagay na mahawakan
Nagpangubaybay si Lola sa butong pag-agi sa taytay.
Humawak si Lola sa kawayan nang tumawid ng taytay.

panihoe\sipol--tunog o pagpapatunog sa bbig sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hangin
Nagapanihoe si Elsa samtang nagapaligos.
sumisipol si Elsa habang naliligo.

piepig\pukpok--paltok ng malakas
Ginapiepig ni Greg ro tansan.
Pinupukpok ni greg ang tansan.

pitik\pitik--
Pinitik ku baye ro tiki sa lamesa.
Pinitik ng babae ang butiki sa lamesa.

piyong\kurap
Pagpiyong ni Hatton binira imaw ni Manny.
Nang kumurap si Hatton binira siya ni Manny.

pueot\dampot--pagkuha sa pamamagitan ng kamay ng anumang nasa sahig o ibaba
Pinueot ku magueang ro payong.
Dinampot ng matanda ang payong.

sakdat\tingkayad--nakaupo sa sakong ng paa na nakaangat sa lupa
Gasakdat ako pag-abot ni Nanay.
naktingkayad ako nang dumating si Nanay.

Siko\siko
Siniko ku drayber ro pasahero.
Siniko ng drayber ang pasahero.

sipa\sipa
sinipa ni Pedro ro manok.
sinipa ni Pedro ang manok.

siyagit\sumigaw
Nagsiyagit si Jen pagkakita it sawa.
sumigaw si Jen nang makita ang ahas.

takilid\tagilid
Nagtakilid si Juan kon magtueog.
Nakatagilid si Juan kung natutulog.

tanga\tanga
Tanan nga tawo nagtanga pag-agi it eroplan.
Tahat na tao ay nakatanga nang dumaan ang eroplano.

tiid\patiyad--dulo lamang daliri ang sumasayad
Nagtiid si Mario pagsueod sa andang kwarto.
Patiyad si Mario nang pumasok sa kanilang kwarto.

tueop\batok--
Tinueop ni Juan ang kanyang kalaban.
Binatukan ni Juan ang kanyang kalaban.

tuwad\tuwad--pagyuko o pagtungong pababa sa harapan na ang puwit ay higit na mataas kaysa ulo
Ro mag aswang kuno hay nagatulad sa bungsod.
Tumutuwad raw ang mga aswang sa bungsod.

wangot\tumingin sa likuran na parang galit
Gawangot si Esa pag-agi sa karsada.
Tumitingin ng masakit si Esa nagn dumaan sa karsada.

wisik\wisik--pagbasa sa anuman, sa pamamagitan g mga basang daliring iwinawiwas o iwinawagwag
Ginwisik ni Pedro ro tubi ra anang alima.
Winisik ni Pedro ang tubig sa kanyang alima.

No comments:

Post a Comment